th.

Kung ano yung mga nagustuhan ko sa’yo, ‘yun din ang mga dahilan kung bakit bigla ko nalamang nakikitang sarili ko’y ginugusto nang sa’yo ay lumalayo. Paalam.

Hindi ako natatakot mamatay. Nababahala ba ako kung handa akong maglalaho o biglaan. Natatakot ako sa walang kasiguraduhan kung saan ako tutungo lalo na sa mga maiiwan ko rito sa mundo. 

Sana hindi nalang tayo pinagtagpo sa lugar kung saan tayo nagkakilala, sana sa ibang lunan nalang. Siguro, siguro, siguro…mas nagkaroon tayo ng tyansang kilalanin pa ang isa’t isa. 

Maligayang kaarawan, dating kaibigan. Hanggang ngayon, ikaw ay hinahangaan. 

Sana sa susunod na lugar kung saan tayo magtatagpo, maalala mo pa ako—magpapakilala muli ako sa’yo. Magsimula tayo ng bago.

Sana walang malungkot sa inyo ngayon.

❝ Anonymous asked: Bakit di mo sinagot ang pangalawang "inlababo k b?"?

pano mo nalamang yun ang pangalawa? same question lang din naman e.

Hi

Alam mo, ayoko talaga ng nagsusulat ng ganitong porma ng paskil pero ewan ko nagawa kong gumawa nito matapos akong kausapin ng mga magulang ko tungkol sa pagkakaroon ng significant other.

Kung sino ka man, kung meron man, hi. Ako makakatuluyan mo someday. Hindi ako curious kung ano itsura mo, hindi ako curious kung saan at kailan tayo magkikita. Curious ako kung bakit mo ako magugustuhan tsaka papaano mangyayari yun? Gusto ko sanang sagutin mo ang mga mumunting tanong na ‘yon sapagkat napakalaking bagay nito para sa akin. Hindi ko alam kung gaano mo ako magiging kakilala pero may mga panahon talaga kasi na hindi ko makitaan masyado ng mga positibong bagay ang sarili ko. Dinadoubt ba ang pagkatao, pero hindi buo, may ilang aspekto lang sa akin. Sana maging totoo ka sa pagsabi mo sa akin nun kasi mayroon akong katangian na talagang binabasa ko ang bawat linya na ibinabato mo sa akin. Textual analysis ba, hinahanapan ko ng mga pattern at sinusuri ko ang istraktura ng mga pinagsasabi ng mga tao sa akin. Ayoko kasing mag-assume o mag-misunderstand kaya talagang iniipon ko muna ang mga impormasyon sa utak ko bago ako handang magsalita. Sana magsabi ka ng totoo, isa kasi sa mga pinakaayoko sa mga tao eh makpagsabi lang for the sake na may masabi o sinasabi ang mga alam nilang nais marinig ng isang tao. Gusto ko masabi mo ang lahat ng tungkol sa akin, okay man o hindi, gusto ko lang talaga makarinig ng tungkol sa akin sa perspektibo ng ibang tao.

Kung sino ka man, kung meron man, hi. Ako makakasama mo sa paglalakad someday. Hindi lamang literal na paglalakad sa kung saan-saan man, kundi paglalakad sa lakbay ng buhay na din. Sana intindihin mo ako kung minsan bigla-bigla akong nagsasalita mag-isa. Hindi ako baliw, nasanay lang talaga akong magkumento sa mga nakikita ko. Pero, diba, kasama naman kita? Sana hayaan mo akong putakan ka ng mga opinyon ko sa mga bagay-bagay. Sana hindi ka magsawa sa mga naoobserbahan ko, sana makita mo ang halaga ng ugali kong ‘to. Sana sakyan mo ako sa trip ko sa paglalakad. Oo nga pala, malabo ang mga mata ko. Kahit pa gusto kong lumibot sa iba’t ibang lugar, minsan talaga na may mood ako na hindi pagsusuot ng salamin o contact lenses. May mga panahon naman kasi na ayoko talaga pansinin masyado ang kapaligiran ko. Gusto ko lng makinig, gusto ko lang default na nakangiti. May tendency kasi na mahiya ako o di kaya maconcious sa mga uri ng tao. Kaya ayoko magsuot. Minsan inaakala akong mataray dahil hindi ako namamansin. Sana sa mga panahong kasama na kita sa paglalakad ko, tapikin mo man lang ako o bulungan na may kumakaway o may kakilala akong madaraanan natin. Ha? Sana hindi ka rin mapagod samahan ako sa paglalakad ko. Sana nga matuwa ka pa kasi sinasama kita sa mga tinatambayan ko. Gustong-gusto ko ang naglalakad, pakiramdam ko kasi maarmi akong nadidiskubre. Sa ngayon hanggang sa paglalakad muna ako, pero sana sabay nating tuparin ang pangarap ko na makasakay sa eroplano at libutin ang iba’t ibang parte ng mundo. Sabay nating puntahan yung mga lugar na dati rati’y nakikita ko lamang sa Tumblr o ‘di kaya sa Buzzfeed na parang hindi mga totoong lugar. Samahan mo akong kilalanin ang ibang tao, tulungan mo akong mawala yung anxiety ko sa tao. Turuan mo akong itaas ang imahe ko sa pagpapakilala sa ibang tao. Turuan mo akong laksan ang boses sa tuwing sasabihin ko ang pangalan ko. Turuan mo akong tuklasin ang mundo at ang sarili ko.

Kung sino ka man, kung meron man, hi. Ako ang makakasama mo sa pagboto someday. Ngayon pa lamang sinasabi ko na na ignorante ako sa maraming bagay. Hindi ako politically inclined kaya wala akong alam talaga. Ignorante ako sa maraming bagay pero sana hwag mong iisipin na wala akong pakealam, hwag mo rin sana akong iisipin na bobo. May parte lng talaga ng aking pagkatao na hindi ko pinaglalaanan ng atensyon at oras ko ang mga bagay na hindi ko talaga kayang gustuhin. Mga bagay na hindi ako interesado. Pero kung ako naman ay kukwentuhan mo, pangako, makikinig ako dahil panigurado namang interesado ako sa’yo. Tanungin mo rin sana ako sa mga bagay na pinaglalaanan ko ng panahon, para naman maramdaman ko na interesado ka sa mga bagay na interesado ako. Pero sana, hwag ka napipilitan lang dahil alam ko ang mga tao kung nakikinig ba talaga o pasok labas sa tenga ang mga salita. Napansin ko kasi na ang mga tao ay hindi ganoon nakikinig kung hindi naman tungkol sa kanila ang mga sinasabi mo kaya nga pumipreno na rin ako sa pagkwento ko at sa sarili ko na lamang ito pinapanatili. Sana magawa mong pakinggan ang iniaawit ng buhay ko, kahit pa walang kabuluhan ito sa lipunan at pulitiko, sana…sana mkabisa mo ang bawat liriko at balang araw ay makanta mo rin ito.

(itutuloy…) (tinatamad na ako)

Ang ikinababahala ko’y ngayon ay nangyayari,

bawat linya ay sa iyo patungo.

                                                                      Hindi ako gan’to noon,

hindi ka gan’to ngayon.

                                          Asan ang sa’kin?

— 1 of 53 —  forward ⇢